Premyer Tsino, nagtalumpati sa Special Virtual Dialogue kasama ang mga pandaigdigang lider sa negosyo

2022-07-20 16:07:03  CMG
Share with:

Nagtalumpati Hulyo 19, 2022 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Special Virtual Dialogue with Global Business Leaders na itinaguyod ng World Economic Forum (WEF) sa Beijing.

 

Isinaad ni Li na mayroon pa ring malaking nakatagong lakas ang Tsina sa pag-unlad.

 

Aniya pa, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para panatilihin ang pagtakbo ng kabuhayang Tsino sa isang makatuwirang sona.

 

Bukod dito, tinukoy ni Li na palagiang iginigiit ng Tsina ang patakaran ng pagbubukas sa labas at iginagarantiya ang ligal at pantay na pagpasok ng mga dayuhang bahay-kalakal sa mga bukas na larangan ng pamilihang Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio