Halos 30 dokumento sa kooperasyong panrehiyon, pinagtibay sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN

2022-08-08 15:33:01  CMG
Share with:

Phnom Penh, Kambodya—Matagumpay na nagtapos Sabado, Agosto 6, 2022 ang Ika-55 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at serye ng mga kaukulang pulong.

 

Pinagtibay rito ang halos 30 dokumento hinggil sa kooperasyong panrehiyon.

 

Sa news briefing pagkatapos ng mga pulong, isinalaysay ni Prak Sokhonn, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN, na sinariwa ng mga ministrong panlabas ng ASEAN ang natamong progreso sa pagpapalakas ng konstruksyon ng ASEAN Community, pagpapasulong sa integrasyong panrehiyon, at pagpapalakas ng kooperasyon ng ASEAN at mga partner nito.

 

Dagdag niya, pawang inihayag ng mga ministro na kailangang magpunyagi, upang igarantiya ang pagpapatupad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at pataasin ang pag-akit ng ASEAN sa kalakalan, pamumuhunan at global supply chain.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio