Operasyon ng foreign exchange market ng Tsina, matatag sa kabuuan noong Hulyo

2022-08-08 16:32:58  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas Agosto 7, 2022 ng State Administration of Foreign Exchange (SAFE) ng Tsina, umabot sa mahigit 3.1 trilyong dolyares ang foreign exchange reserve ng Tsina hanggang noong katapusan ng nagdaang buwan.

 

Ito ay mas malaki ng 3.28 bilyong dolyares kumpara noong katapusan ng nagdaang Hunyo, dagdag ng administrasyon.

 

Anito pa, matatag sa kabuuan ang takbo ng pamilihan ng foreign exchange ng Tsina nitong nakaraang Hulyo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio