Umano’y “Chinese debt trap,” muling pinalaki ni Antony Blinken; MFA: mananaig ang katotohanan sa kasinungalingan

2022-08-19 15:40:54  CMG
Share with:

Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Aprika kamakailan, muling pinalaki ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang umano’y “Chinese debt trap.”

 

Kaugnay nito, inihayag nitong Huwebes, Agosto 18, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang umano’y “Chinese debt trap” ay kasinungalingang nilikha ng Amerika at mga bansang kanluranin, para ibaling ang sariling pananagutan sa iba, at ang ganitong kasinungalingan ay pananaigan ng katotohanan.

 

Tinukoy ni Wang na nitong nakalipas na mahabang panahon, ang mga midterm at long-term na debt payments ay napupunta, pangunahin na, sa mga kanluraning kreditor na komersyal at mga multilateral institutions.

 

Ayon sa pagtaya ng World Bank, sa loob ng darating na 7 taon, kailangang bayaran ng mga bansang may katamtaman at mababang kita ang US$ 940 bilyong principal at interest repayment.

 

Kabilang dito, ang US$ 356.6 bilyon at US$ 273 bilyon na bayarin sa mga kanluraning kreditor na komersyal at mga multilateral institutions, na katumbas ng 67% ng kabuuang halaga.

 

Samantala, US$ 130.8 bilyon ang babalik sa pamahalaan at mga commercial institutions ng Tsina, at ito ay katumbas ng 14% lamang ng kabuuang kabayaran.

 

Tinukoy ni Wang na komprehensibong ipinapatupad ng Tsina ang G20 Debt Service Suspension Initiative, at naging pinakamalaking tagapag-ambag sa inisyatibang ito.

 

Sa kabilang dako, sa katuwiran ng pangangalaga sa sariling credit rating, sa mula’t mula pa’y tumanggi ang mga kanluraning kreditor na komersyal at mga multilateral na instituto na sumali sa kaukulang kampanya sa pagbabawas ng pautang sa mga umuunlad na bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac