Mga bahay-kalakal ng Tsina, dumadami ang bilang sa dakong gitnang-kanluran ng bansa

2022-08-23 14:03:46  CMG
Share with:

Sa kasalukuyan, mas maraming kabataang Tsino ang pumupunta sa dakong gitnang-kanluran ng bansa para tuparin ang kanilang propesyunal na ambisyon.

 

Ito ay bunga ng pagdami ng mga bahay-kalakal sa nabanggit na lugar, lalo na sa tradisyonal na industriya ng manufacturing at mahalagang bagong-sibol na industriya.

 

Ayon sa datos, nitong 10 taong nakalipas, lumaki nang 4 na ulit ang bilang ng mga bahay-kalakal ng nabanggit na dalawang industriya. Halimbawa sa lunsod ng Suining ng lalawigang Sichuan, 10 taon ang nakararaan, ang industriya ng paghahabi ay pangunahing industriya ng lunsod na ito. Sa kasalukuyan, ang lunsod na ito ay naging mahalagang base ng industriya ng kotse at bagong enerhiya.

Bukod dito, ang lunsod ng Guiyang ng lalagiwang Guizhou sa dakong timog kanluran ng Tsina ay naging isang sentro ng big-data. Sa kasalukuyan, umuunlad nang malaki sa lunsod na ito ang industriya ng digital manufacturing, bagong enerhiyang kotse at pagyari ng sulong na makinarya.


Dahil dito, mabilis na umuunlad ang mga lunsod sa dakong gitnang-kanluran ng Tsina. Halimbawa sa lunsod ng Xi’an, nadagdagan ng mahigit 4 milyon ang populasyong pangmatagalang naninirahan doon nitong 10 taong nakalipas.