Premyer Tsino, nagpadala ng mensahe sa WNEVC 2022

2022-08-28 14:49:00  CRI
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala nitong Agosto 27, 2022 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa 2022 World New Energy Vehicle Congress (WNEVC).


Ipinahayag sa mensahe ni Premyer Li na ang Tsina ay isang malaking bansang nagpoprodyus at nagkokonsumo ng sasakyan. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang new energy vehicles industry sa bansa, at nasa unang puwesto ang bolyum ng paggawa at bilang ng ganitong sasakyan.


Sinabi niya na ang pagpapaunlad ng bagong-enerhiyang sasakyan ay hindi lamang nakakapagpasulong sa industriya ng paggawa at luntian at mababang-karbong pag-unlad, kundi nakakapagbigay ng mas maraming pagpili sa mga mamimili at nagkakaloob ng de-kalidad na produkto sa kanila.


Dagdag niya, bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, kailangang isagawa ng Tsina ang malawakang pandaigdigang pakikipagkooperasyon sa larangan ng pagharap sa pagbabago ng klima at pagpapasulong ng luntian at mababang-karbong pag-unlad.


Sa bukas na atityud, patuloy na palalalimin ng Tsina ang pandaigdigang pakikipagkooperasyon sa kaukulang larangan ng new energy vehicle industry upang maisakatuparan ang win-win result, diin pa niya.


Salin: Lito