Netizens ng Tsina, mahigit 1 bilyon

2022-08-31 14:58:51  CMG
Share with:

 

Isinapubliko ngayong araw, Agosto 31, 2022 ng China Internet Network Information Center (CNNIC) ang Ika-50 China Statistical Report on Internet Development.

 

Ayon sa ulat na ito, hanggang noong katapusan ng nagdaang Hunyo, ang bilang ng mga netizens ng Tsina ay umabot sa mahigit 1.05 bilyon na lumaki ng 19.19 milyon kumpara noong Disyembre ng taong 2021. Ang internet availability rate naman ay umabot sa 74.4% na lumaki ng 1.4%.

 

Ayon pa sa ulat, hanggang noong Hunyo ng taong 2022, ang karaniwang oras na inilalaan ng mga netizens sa internet bawat linggo ay umabot sa 29.5 oras na lumaki ng 1 oras kumpara noong Disyembre 2021.

 

Ang 99.6% ng lahat ng mga netizen ay gumagamit ng mobile phones para mag-internet.

 

Bukod dito, ang bilang ng mga users ng short video application ay umabot sa 962 milyon noong nagdaang Hunyo ng taong 2022 na lumaki ng 28.05 milyon kumpara sa Disyembre 2021.


Salin: Ernest

Pulido: Lito