Tsina, buong tatag na tumututol sa “sci-tech hegemony” ng Amerika

2022-09-02 15:16:15  CRI
Share with:

Ipinahayag nitong Agosto 31, 2022 ng American chip designer Nvidia Corp na hinihiling ng pamahalaang Amerikano na bigyang-limitasyon ang pagluluwas ng 2 top computing chips para sa artificial intelligence ng Tsina.


Kaugnay nito, ipinahayag nitong Setyembre 1, 2022 ni Tagapagsalita Shu Jueting ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na nitong ilang panahong nakalipas, walang humpay na nagmamalabis ang panig Amerikano sa pamamagitan ng pagbibigay-limitasyon sa pagluluwas ng kaukulang materyales ng semiconductor sa Tsina. Buong tindi itong tinututulan ng panig Tsino, aniya.


Sinabi ni Shu na dapat agarang itigil ng panig Amerikano ang naturang pagkakamali, at pantay na pakitunguhan ang mga kompanya ng iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng Tsina.


Salin: Lito

Pulido: Mac