Amerika, pinakapanalo sa isyu ng Ukraine—MFA

2022-09-02 16:58:10  CMG
Share with:

Tinukoy ngayong araw, Setyembre 2, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang may sala sa isyu ng Ukraine, ang Amerika ay pinakapanalo na may malaking pakinabang sa isyung ito.

 

Dahil sa sangsyon laban sa Rusya, dinanas kamakailan ng maraming bansang Europeo ang kakulangan ng enerhiya, at sapilitan nilang binili ang natural gas ng Amerika na may mataas na presyo. Ayon sa komentaryo ng European media, nagkukunwari ang Amerika bilang “Tagapagligtas”, at nakakakuha ng napakalaking tubo, sa pamamagitan ng pagbebenta ng natural gas sa mga bansang Europeo.

 

Kaugnay nito, tinukoy ni Zhao na tumatagal na ng mahigit kalahating taon ang krisis sa Ukraine. Muling napapatunayan ng katotohanan na hindi reresolbahin ng unilateral na sangsyon ng Amerika at mga bansang kanluranin ang anumang problema, sa halip, walang humpay na dumaragdag at kumakalat ang mga negatibong epekto.

 

Kasabay ng pakikinabang ng mga arms dealer at mangangalakal ng pagkaing-butil sa krisis ng Ukraine, hinahanap din ng mga mangangalakal ng enerhiya ng Amerika ang tubo mula sa mga kaalyansang bansa nito. Bunga nito’y dinaranas ng mga mamamayang Europeo ang mabilis na pagtaas ng presyo ng koryente, mababang temperatura ng heater, o higit sa lahat, organisadong pagputol ng suplay ng koryente, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac