Tsina, magkakaloob ng karagdagang tulong ng materiyal sa Pakistan

2022-09-04 15:00:33  CRI
Share with:

Ayon sa China International Development Cooperation Agency (CIDCA) nitong Setyembre 3, 2022, dahil sa ibayo pang pag-unlad ng kalamidad ng baha sa Pakistan at ayon sa pangangailangan ng Pakistan, ipinasiya ng panig Tsino na ipagkaloob ang karagdagang pangkagipitang makataong tulong ng materiyal sa bansang ito.


Sinabi ni Luo Zhaohui, Puno ng CIDCA na kasalukuyang buong sikap na napapawi ng panig Tsino ang mga epektong tulad ng lagay ng panahon at pandemiya para maihatid ang mga materiyal sa mga apektadong lugar.


Ani Luo, sa harap ng kalamidad, matatag na tumatayo ang panig Tsino kasama ng Pakistan. Sa susunod na yugto, nakahanda aniya ang panig Tsino na magkaloob ng suporta sa Pakistan sa mga aspektong gaya ng gawaing panaklolo, at rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad.


Nananalig ang panig Tsino na tiyak na mapagtagumpayan ng Pakistan ang kalamidad ng baha at maitayo muli ang magandang lupang tinubuan, dagdag pa niya.


Salin: Lito