Tsina, innovator sa medisina nitong nagdaang dekada

2022-09-08 15:04:03  CMG
Share with:

Sa isang press conference sa Beijing Miyerkules, Setyembre 7, 2022, sinabi ni Li Bin, Pangalawang Puno ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na kapansin-pansin ang progresong natamo ng bansa sa larangan ng siyensiya’t teknolohiyang medikal, at nagsilbi itong innovator sa medisina simula noong nagdaang dekada.

 

Aniya, malalimang sumali ang Tsina sa pandaigdigang pangangasiwang pangkalusugan, at gumawa ng sariling ambag para sa pagtatatag ng pandaigdigang sistemang pangkalusugan na may pinagbabahaginang kinabukasan.

 


Pinagtibay rin aniya ng bansa ang mga batas na may kinalaman sa basic health coverage, at inilunsad ang planong “Healthy China 2030” para bigyang-patnubay ang pag-unlad ng sektor ng kalusugan.

 

Noong nagdaang dekada, tumaas sa 78.2 taon mula 74.8 taon ang life expectancy ng mga Tsino, at ito ay isang historikal na pag-unlad, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio