Xi Jinping, nakiramay sa pagyao ni Queen Elizabeth II

2022-09-09 15:25:18  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Setyembre 9, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay King Charles III ng Britanya bilang pakikiramay sa pagyao ni Queen Elizabeth II.


Sa ngalan ng pamahalaang Tsino at sambayanang Tsino, ipinahayag ni Xi ang taos-pusong pakikiramay sa royal family, pamahalan at mga mamamayan ng Britanya.


Idiniin ni Xi na lubos niyang pinahahalagahan ang relasyon ng Tsina at Britanya. Nakahanda aniya siyang pasulungin, kasama ni King Charles III, ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa para makinabang ang kanilang mga mamamayan.


Ipinadala din sa araw na ito ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe kay Liz Truss, Punong Ministro ng Britanya bilang pakikidalamhati sa pagyao ni Queen Elizabeth II.


Salin: Ernest

Pulido: Mac