Ilegal na sangsyon, may malubhang epekto sa pandaigdigang sistema ng kaayusan

2022-09-09 17:21:00  CMG
Share with:

Sinabi kamakailan ni Pangulong Vladmir Putin ng Rusya na ang sangsyon ng ilang bansang kanluranin ay naging pinakamalaking banta sa buong mundo, sa halip ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Setyembre 8, 2022, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang ilegal na unilateral na sangsyon na isinagawa ng ilang bansa tungo sa ibang bansa ay may malubhang epekto sa pandaigdigang kaayusang pulitikal at pangkabuhayan at pandaigdigang sistema ng kaayusan.

 

Sinabi pa ni Mao na bilang pirmihang miyembro ng United Nations Security Council (UNSC) at kinatawan ng mga bansa ng pangunahing bagong pamilihan, laging buong tatag na pinangangalagaan ng Tsina at Rusya ang pandaigdigang sistema na sentro ang UN at pandaigdigang kaayusan batay sa pandaigdigang batas, isinasagawa ang totoong multilateralismo, at pinasusulong ang pagbangon ng kabuhayan ng buong daigdig.

 

Patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Rusya, para pasulungin ang multi-polar na daigdig, globalisasyon ng kabuhayan, at mas mabuting demokrasiya sa relasyong pandaigdig, saad ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac