Tsina at H.Korea, magkasamang magbibigay ng ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig

2022-09-09 17:19:15  CMG
Share with:

Ipinaabot ngayong araw, Setyembre 9, 2022, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati kay Kim Jong Un, Pinakamataas na lider ng Hilagang Korea, para sa ika-74 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Democratic People's Republic of Korea (DPRK).

 

Sinabi ni Xi sa mensahe na nitong ilang taong nakalipas, sa pamumuno ng Korean Workers Party, walang humpay na natamo ng mga mamamayan ng Hilagang Korea ang bagong bunga sa pag-unlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at natamo din ang tagumpay sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Nananalig aniya ang Tsina na sa hinaharap, tiyak na matatamo ng mga mamamayan ng Hilagang Korea ang mas maraming pag-unlad.

 

Tinukoy ni Xi na ang pagkakaibigan ng Tsina at Hilagang Korea ay nasa puso ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Palagiang pinapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa, sinusuportahan ng dalawang panig ang isa’t isa sa mga isyung kapuwa nilang pinahahalagahan, at ito ay lubos na nagpapakita ng kasiglahan ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Binigyan-diin ni Xi na nakahanda ang Tsina na panatilihin ang estratehikong koordinasyon sa Hilagang Korea, at palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa, para magkasamang paunlarin nang mabuti ang relasyon ng dalawang panig upang maging kapakipakinabang sa mga mamamayan ng dalawang bansa at magbigay ng ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito at buong daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac