Pagpapasulong sa inobasyon ng mga bahay-kalakal at pagpaparami ng SMEs, ipinanawagan ng pangulong Tsino

2022-09-09 12:49:00  CMG
Share with:

Sa kanyang liham na pambati sa isang komperensya hinggil sa pag-unlad ng mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal (SMEs) na binuksan nitong Huwebes, Setyembre 8, 2022 sa Nanjing, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na magpunyagi para pasulungin ang inobasyon ng mga bahay-kalakal, at paramihin ang mga nagdadalubhasa at inobatibong SMEs.

 

Diin niya, ang SMEs ay mahalagang puwersa para sa pagpapasulong sa inobasyon, pagpapaunlad ng hanap-buhay, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Umaasa aniya siyang patitingkarin nila ang mas malaking papel sa pagpapatatag ng katatagan ng industrial chains at supply chains, at pagpapasulong sa pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan.

 

Hinimok din niya ang mga opisyal sa iba’t ibang antas na buuin ang paborableng kapaligiran para sa pag-unlad ng SMEs, pag-ibayuhin ang pagsuporta sa kanila, palakasin ang kani-kanilang kompiyansa, puspusang pasulungin ang inobasyon, at palakasin ang pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), upang maparami ang SMEs na may malaking potensyal sa paglaki, modernong teknolohiya, at malakas na kakayahang kompetetibo sa merkado.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac