Xi Jinping at lider ng AU, nagpadala ng mensaheng pambati sa isa’t isa

2022-09-09 15:23:37  CMG
Share with:

Nagpadala ngayong araw, Setyembre 9, 2022 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Macky Sall, Tagapangulo ng African Union (AU) at Pangulong Senegalese, ng mensahe sa isa’t isa bilang pagbati sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng AU at relasyong diplomatiko ng Tsina at AU.


Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Xi na lubos na pinahahalagahan niya ang relasyon ng Tsina at AU.


Sinabi pa ni Xi na dapat matatag na katigan ng Tsina at mga bansang Aprikano, ang mga isyung may kinalaman sa kani-kanilang nukleong kapakanan para palakasin ang representasyon at karapatang magsalita ng mga umuunlad na bansa sa mga isyung pandaigdig.


Ipinahayag ni Macky Sall na matatag na kinakatigan ng AU ang prinsiyong isang Tsina at mga kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Aprika.


Hinahangaan din nya ang tradisyonal na pagkakaibigan, pagkakaisa at kooperasyon ng Tsina at Aprika.


Salin:Ernest

Pulido: Mac