Yang Jiechi, nakipagtagpo sa Embahador Ruso sa Tsina

2022-09-13 16:23:19  CMG
Share with:

Nakipagtagpo kahapon, Setyembre 12, 2022 ni Yang Jiechi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kay Andrey Denisov, Embahador Ruso na magtatapos ang panunungkulan sa Tsina.


Mataas ang naging pagtasa ni Yang sa positibong ambag ni Denisov para pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso.


Ipinahayag ni Yang na nakahanda ang panig Tsino, na pahigpitin, kasama ng Rusya, ang de-kalidad na estratehikong kooperasyon, magkasamang pangalagaan ang komong kapakanan ng dalawang panig at pasulungin ang pag-unlad ng kaayusang pandaigdig patungo sa direksyong mas makatwiran at makatarungan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac