Tsina isusulong ang aktibong pagbubukas at pakikipagtulungan sa labas

2022-09-15 15:48:30  CMG
Share with:

Kaugnay ng katatapos na Ika-22 China International Fair for Investment and Trade (CIFIT), ipinahayag nitong Miyerkules, Setyembre 14, 2022 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang matagumpay na pagdaraos ng CIFIT ay nagpapakita ng positibong atityud ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas at pagtutulungan.


Ayon sa pahayag, dumalo sa CIFIT ang mahigit 4,000 bahay-kalakal mula sa higit 90 bansa at rehiyon at narating ang mahigit 480 kasunduan ng kooperasyon at proyekto na nagkakahalaga ng 342 bilyong yuan RMB.


Sinabi pa ni Mao na patuloy na pasusulungin ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan at ibayo pang pagbubukas sa labas.


Idinaos ang CIFIT nitong Setyembre 8-11, 2022 sa Xiamen, Fujian, lalawigan sa dakong timog ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Mac