Ika-17 Pagsasanggunian ng Estratehikong Seguridad at Ika-7 Pulong ng Mekanismong Pangkooperasyon sa Seguridad ng Pagpapatupad ng Batas, idaraos ng Tsina at Rusya

2022-09-19 10:36:25  CRI
Share with:

Ipinatalastas Setyembre 18, 2022 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa imbitasyon nina Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Puno ng Tanggapan ng Komisyon ng Komite Sentral ng CPC sa mga Suliraning Panlabas at Guo Shengkun, Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC at Kalihim ng Komite ng mga Suliraning Pampulitika at Pambatas ng Komite Sentral ng CPC; nagtungo sa Tsina si Nikolai Patrushev, Kalihim ng Konseho ng Seguridad ng Rusya para dumalo sa Ika-17 Pagsasanggunian ng Estratehikong Seguridad at Ika-7 Pulong ng Mekanismong Pangkooperasyon sa Seguridad ng Pagpapatupad ng Batas ng Tsina at Rusya.


Ginaganap ang naturang mga pagtatagpo mula Setyembre 18 hanggang 19.


Salin: Lito

Pulido: Rhio