Pangulong Tsino, bumati sa International Forum on Resilient and Stable Industrial and Supply Chains

2022-09-20 16:10:14  CMG
Share with:

Isang liham na pambati ang ipinadala nitong Lunes, Setyembre 19, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa International Forum on Resilient and Stable Industrial and Supply Chains.

 

Tinukoy ni Xi na ang pangangalaga sa kakayahan sa pagbangon at katatagan ng global industrial at supply chains ay mahalagang garantiya sa pagpapasulong sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, at umangkop ito sa komong kapakanan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.

 

Aniya, buong tatag na pangangalagaan ng Tsina ang pagiging produktong pampubliko ng industrial at supply chains, igagarantiya ang seguridad at katatagan ng industrial at supply chains ng sariling bansa, palalalimin ang kooperasyong pandaigdig sa industrial at supply chains, at hahayaang makinabang sa bunga ng pag-unlad ang mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.

 

Binuksan nang araw ring iyon sa Hangzhou, Lalawigang Zhejiang ng Tsina ang nasabing porum na magkasamang itinataguyod ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon, Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma, Ministri ng Transportasyon, Development Research Center ng Konseho ng Estado, at pamahalaan ng Zhejiang.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac