Ipinahayag Lunes, Setyembre 19, 2022 ng China Aerospace Science and Technology Corporation (CASC), na iginawad ng International Astronautical Federation (IAF) ang parangal na World Space Award sa Tianwen-1 Spacecraft Development Team ng Tsina, dahil sa kanilang malaking ambag sa eksplorasyon sa planetang Mars, at inobasyon sa teknolohiya ng paggagalugad sa kalawakan.
Sa isang misyon ng Tianwen-1 Spacecraft, matagumpay itong nag-orbita, lumapag at naglibot sa Mars.
Ito ay una sa kasaysayan.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio