Wan Gang, dumalo sa seremonya ng libing ni Shinzo Abe

2022-09-29 14:52:36  CMG
Share with:

 

Sa paanyaya ng pamahalaang Hapones, dumalo si Wan Gang, Kinatawan ng Pamahalaang Tsino at Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) sa seremonya ng pambansang libing ni Shinzo Abe, dating Punong Ministro ng Hapon na idinaos Martes, Setyembre 27, 2022 sa Tokyo.

 

Ipinahayag ni Wan, sa ngalan ng pamahalaang Tsino, ang taos-pusong pakikiramay sa panig Hapones.

 

Sa kanyang pananatili sa Hapon, nakipag-tagpo kahapon, Setyembre 28, si Wan kay Hirokazu Matsuno, Chief Cabinet Secretary ng Hapon.

 

Ipinahayag ni Wan na dapat sundin ng dalawang bansa ang mga komong palagay na narating ng kanilang mga lider hinggil sa relasyong Sino-Hapones para pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng ugnayan ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag naman ni Hirokazu Matsuno na nakahanda ang Hapon na isakatuparan, kasama ng Tsina, ang mga mahalagang komong palagay ng kanilang mga lider at buong sikap na pasulungin ang konstruktibo at matatag na relasyong Sino-Hapones.


Salin: Ernest

Pulido: Mac