Tsina, umangat sa ika-11 puwesto sa Global Innovation Index (GII) 2022

2022-09-30 14:32:20  CMG
Share with:

Ayon sa Global Innovation Index (GII) 2022 na inilabas nitong Huwebes, Setyembre 29, 2022 ng World Intellectual Property Organization (WIPO), ang Tsina ay nasa ika-11 puwesto sa buong daigdig sa larangan ng inobasyon na tumaas ng 1 puwesto kumpara noong 2021.


Ipinahayag ni Daren Tang, Pangkalahatang Direktor ng WIPO na nitong nakalipas na 10 taon, ang Tsina ay nasa ika-34 na puwesto lamang sa buong mundo sa larangang ito at ang pagtaas ng puwesto ng Tsina ay nagmula sa walang humpay na pagsisikap ng bansang ito.


Ipinahayag naman ni Sacha Wunsch-Vincent, Co-editor ng GII, na nitong ilang taong nakalipas, dinagdagan ng Tsina ang pondo sa pananaliksik ng siyensiya at teknolohiya at dahil dito, tumaas ang halaga ng tatak ng mga tradisyonal at bagong-sibol na bahay-kalakal ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Mac