Premyer Tsino, ipinahayag ang pagbati sa WIPO kaugnay ng Global Innovation Index 2022

2022-09-30 14:30:48  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Huwebes, Setyembre 29, 2022 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensaheng pambati sa World Intellectual Property Organization (WIPO) matapos ilabas ang Global Innovation Index 2022.


a kanyang mensahe, ipinahayag ni Li na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang inobasyon ng siyensiya at teknolohiya, mahigpit na pinangangalagaan ang karapatan ng pagmamay-ari sa likhang-isip o Intellectual Property Rights, at komprehensibong pinahihigpit ang pandaigdigang kooperasyon sa inobasyon ng siyensiya at teknolohiya.


Tinukoy ni Li na sa hinaharap, ibayo pang pasusulungin ng Tsnia ang pandaigdigang kooperasyon at pagpapalitan hinggil dito at palalawakin ang espasyo ng pandaigdigang kooperasyon sa inobasyon ng siyensiya at teknolohiya.


Sinabi rin niyang nakahanda ang Tsina, na patuloy na panatilihin, kasama ng WIPO, ang mapagkaibigang kooperasyon, at magkasamang pasulungin ang kontruksyon ng regulasyong pandaigdig ng IPR na bukas, may pagbibigyan, mabisa at patas.


Salin: Ernest

Pulido: Mac