Tsina, binuksan ang aplikasyon ng mga bagong taikonaut

2022-10-03 12:55:08  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag kahapon, Oktubre 2, 2022 ng China Manned Space Agency (CMSA), nagsimula na ang pagtanggap sa aplikasyon ng mga bagong taikonaut para tugunan ang pangangailangan ng mga bagong misyon ng spaceflight sa hinaharap.


Ayon sa CMSA, pipiliin nito ang 12 hanggang 14 na reserve astronauts na kinabibilangan ng spacecraft pilots, spaceflight engineers at payload specialists.


Ang proseso ng pagpili ay tatagal nang halos isa’t kalahating taon.


Salin: Ernest

Pulido: Mac