$USD625 milyong dolyares na tulong militar sa Ukraine, ipagkakaloob ng Amerika

2022-10-05 11:26:17  CRI
Share with:

Pormal na inawtorisahan Oktubre 4, 2022, (local time) ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang pagkakaloob ng karagdagang 625 milyong dolyares na tulong militar sa Ukraine na kinabibilangan ng mga sandata, munisyon, at instalasyon.


Sapul nang umakyat sa poder si Pangulong Joe Biden ng Amerika, lampas na sa $USD17.5 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng tulong militar na ipinagkaloob ng Amerika sa Ukraine.


Salin: Lito

Pulido: Rhio