Batayan ng pangmalayuang paglago ng kabuhayang Tsino, hindi magbabago: pinto ng Tsina, hindi magsasara

2022-10-10 16:08:28  CMG
Share with:

Sa regular na preskon Linggo, Oktubre 9, 2022, isinalaysay ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na nitong nakalipas na halos 10 taon, umabot sa 6.6% ang karaniwang paglago ng kabuhayang Tsino, at ito ay nanguna sa mga pangunahing ekonomiya sa daigdig.

 

Umabot din aniya sa 38.6% ang karaniwang contribution rate ng Tsina sa paglago ng kabuhayang pandaigdig, at ito ay mas malaki kaysa kabuuang contribution rate ng mga bansa ng Group of 7 (G7).

 

Ang Tsina ay nananatiling ika-2 pinakamalaking ekonomiya at pinakamalaking bansa ng kalakalan sa buong mundo, dagdag ni Mao.

 

Diin pa niya, hindi magbabago ang batayan ng pangmalayuang paglago ng kabuhayang Tsino, at hindi rin magsasara ang pinto ng Tsina para sa mga mamumuhunan.

 

Patuloy na igigiit ng Tsina ang mga simulaing gaya ng bukas, inklusibo, mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon; walang humpay na palalawakin ang pagbubukas sa labas sa mataas na lebel; ibabahagi sa daigdig ang benepisyo ng kaunlaran; at patitingkarin ang mas maraming positibong puwersa para sa malakas, sustenable, balanse at inklusibong paglago ng kabuhayang pandaigdig, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio