Putin: Pagsabog sa Crimean Bridge, pakana ng Ukraine

2022-10-10 15:02:42  CMG
Share with:

 

Ipinahayag kahapon, Oktubre 9, 2022 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na ang pagsabog sa Crimean Bridge ay pinlano at isinagawa ng special services ng Ukraine.

 

Ito rin aniya ay isang teroristikong pag-atake sa mga masusing imprastrukturang pansibilyan ng Rusya.

 

Nang araw ring iyon, pinakinggan ni Putin ang ulat ni Alexander Bastrykin, Tagapangulo ng Investigative Committee ng Russia, hinggil sa imbestigasyon sa insidente ng pagsabog.

 

Ayon kay Bastrykin, tiyak na ng panig Ruso ang mga suspek sa pagpaplano at pagsasagawa ng nasabing pag-atake sa tulay.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio