Pagkakaibigan ng mga Tsino’t Pakistani, komong kayamanan ng kapuwa panig

2022-10-10 16:03:49  CMG
Share with:

Nagpasalamat kamakailan si Punong Ministro Shehbaz Sharif ng Pakistan sa ibinigay na tulong ng Tsina sa mga binahang mamamayang Pakistani.

 

Kaugnay nito, sinabi nitong Linggo, Oktubre 9, 2022 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na makaraang maganap ang pagbaha sa Pakistan, agarang tumugon ang Tsina, at ipinadala ng lider na Tsino ang mensahe ng pakikiramay sa lider ng Pakistan.

 

Aniya, ang kaukulang pahayag ni Punong Ministro Shehbaz Sharif ay nagpapakita ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Ayon sa kalagayan ng kalamidad at pangangailangan ng panig Pakistani, tuluy-tuloy na ipinagkakaloob ng panig Tsino ang disaster relief assistance, dagdag ni Mao.

 

Sa kasalukuyan, pinapanatili aniya ng kapuwa panig ang mahigpit na pag-uugnayan sa pagpapadala ng mga relief supply sa mga apektadong mamamayan at iba’t ibang gawain ng rekonstruksyon pagkatapos ng baha.

Saad ni Mao, ang pagkakaibigan ng mga Tsino’t Pakistani ay dumaan na sa mga pagsubok ng pabagu-bagong kalagayang pandaigdig sa magkaka-ibang panahon, at ito’y komong kayamanan ng kapuwa panig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio