MFA: Ang mapayapang reunipikasyon at patakarang isang bansa dalawang sistema ay mabisang paraan ng paglutas sa usapin ng Taiwan

2022-10-10 14:57:26  CMG
Share with:

 

Idiniin kahapon, Oktubre 9, 2022 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MFA), na ang mapayapang reunipikasyon at patakarang isang bansa dalawang sistema ay pundamental na prinsipyo ng Tsina sa paglutas sa usapin ng Taiwan at pinakamaayos na paraan sa pagsasakatuparan ng reunipikasyon ng bansa.

 

Ipinahayag niya na ang kasalukuyang tensyon sa Taiwan Strait ay bunga ng probokasyon ng Taiwan Democratic Progressive Party (DPP) at ibang mga bansa para pasulungin ang pagsasarili ng Taiwan.

 

Aniya pa, sa ilalim ng patakarang isang bansa dalawang sistema, lubos na igagalang ang sistemang panlipunan at istilo ng pamumuhay ng mga kababayang Taiwanes at maigagarantiya ang kanilang lehitimong kapakanan at karapatan.

 

Ang unipikasyon ng Tsina ay magdudulot ng mas maraming pagkakataon ng pag-unlad sa iba’t ibang bansa sa halip ng pinsala sa kapakanan ng anumang bansa, paliwanag ni Mao.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio