MOFA: Puwersang nagsusulong ng “pagsasarili ng Taiwan”, sanhi ng mga problema

2022-10-11 10:48:59  CMG
Share with:

Bilang tugon sa talumpati nitong Lunes, Oktubre 10, 2022 ni Tsai Ing-wen, Lider ng Taiwan, ipinahayag nang araw ring iyon ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang mga problema sa Taiwan Straits ay bunga ng pagsusulong ng Awtoridad ng Democratic Progressive Party (DPP) sa “pagsasarili ng Taiwan.”


Sinabi pa niyang ang Taiwan Island ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina.


Idiniin ni Mao na ang prinsipyong isang Tsina ay susi ng pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng Taiwan Straits. Ang prinsipyong ito aniya ay makakatulong sa pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.


Inulit ni Mao na ang usapin ng Taiwan ay nukleong isyung may kinalaman sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Mac