Pangangalaga sa ngiti ng mga anghel

2022-10-11 10:47:42  CRI
Share with:


Ngayong araw, Oktubre 11, 2022 ay “International Day of the Girl Child.”

Noong Disyembre 19, 2011, pinagtibay ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) ang resolusyong nagtakda kada Oktubre 11 bilang “International Day of the Girl Child” upang pangalagaan ang karapatan ng mga batang babae, bigyang pansin ang mga di-karaniwang hamong kinakaharap ng mga batang babae sa iba’t-ibang sulok ng buong mundo, mapataas ang kaalaman ng buong daigdig sa kinakaharap na di-pantay na pakikitungo sa mga batang babae, at inaasahang mapapataas ang pakikitungo sa mga batang babae sa mga aspektong tulad ng edukasyon, medisina, nutrisyon, batas at seguridad.

Pangalagaan natin ang ngiti ng mga anghel sa pamamagitan ng pusong mapagmahal.


Salin: Lito

Pulido: Mac