Pangulong Tsino, bumati sa pagkakatatag ng pandaigdigang sentro ng sustenableng transportasyon

2022-10-14 15:38:49  CMG
Share with:

Isang liham ang ipinadala ngayong araw, Oktubre 14, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bilang pagbati sa pagkakatatag ng Global Sustainable Transport Innovation and Knowledge Center.

 

Tinukoy ni Xi na mahalagang mahalaga ang katuturan ng pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad ng transportasyong pandaigdig at pandaigdigang konektibidad, para sa paggarantiya sa matatag at maayos na supply chain ng pandaigdigang lohistika, at pagpapasulong sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

 

Aniya, ang pagtatatag ng naturang sentro ay mahalagang hakbangin para suportahan ang pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN).

 

Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng iba’t ibang bansa, na lubos na gamitin ang naturang sentro upang mapasulong ang pandaigdigang kooperasyon sa transportasyon, at gawin ang ambag para sa pagpapasulong sa Global Development Initiative, pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development, at pagpapasulong sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Pinasinayaan nang araw ring iyon sa Beijing ang Global Sustainable Transport Innovation and Knowledge Center.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac