Joko Widodo, dinalaw ang Jakarta-Bandung High Speed Railway

2022-10-14 14:07:04  CMG
Share with:

Dinalaw at sinuri nitong Huwebes, Okbure 13, 2022 ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia ang lugar ng konstruksyon ng Jakarta-Bandung High Speed Railway (HSR) na nasa lunsod ng Bandung ng lalawigang West Java.


Ipinahayang ni Joko na maayos ang proseso ng konstruksyon ng proyektong ito at ito ay nagpapakitang maganda ang kooperasyon sa pagitan ng Indonesia at Tsina.


Sinabi ni Joko na ang proyektong ito ay magpapadali ng transportasyon ng mga tao at paninda para pasulungin ang paglaki ng kabuhayan ng Jakarta at Bandung.


Sinabi pa niyang makikita ng publiko ang bunga ng konstruksyon ng Jakarta-Bandung HSR habang idinadaos ang G20 Summit sa darating na Nobyembre.


Salin: Ernest

Pulido: Mac