Tsina, nanawagan sa Hilaga at Timog Korea na ‘wag palalain ang tensyon sa Korean Peninsula

2022-10-15 15:44:26  CMG
Share with:

Nanawagan ang Tsina sa kapwa Hilaga at Timog Korea, na iwasan ang pagpapalala ng tensyon sa Korean Peninsula at likhain ang kondisyon para sa diyalogo.

 

Winika ito kahapon, Oktubre 14, 2022, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, kaugnay ng paglulunsad nang araw ring iyon ng Hilagang Korea ng di-matukoy na ballistic missile sa karagatan sa dakong silangan ng Korean Peninsula, at pagpataw naman ng Timog Korea ng bagong unilateral na sangsyon laban sa Hilagang Korea.

 

Sinabi rin ni Mao, na kailangang lubos na tamang pakitunguhan ng kapwa Hilaga at Timog Korea ang ugat ng problema na sanhi ng deadlock sa kalagayan ng Korean Peninsula, at igiit ang pulitikal na solusyon sa mga isyu.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos