Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa bagong halal na Pangulong Iraqi

2022-10-16 11:11:04  CRI
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Sabado, Oktubre 16, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Abdul Latif Rashid bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng Iraq.


Tinukoy ni Xi na may tradisyonal na pagkakaibigan ang Tsina at Iraq, at nitong ilang taong nakalipas, patuloy na tumitibay ang pagtitiwalaang pulitikal, at matatag na sumusulong ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan.


Saad ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Iraqi, at nakahandang magsikap kasama ni Abdul Latif Rashid para maisulong ang pagtatamo ng bagong progreso ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio