Parangal na tinanggap ng tropang Tsino sa South Sudan at Abyei, mataas na pagtasa ng komunidad ng daigdig sa mga gawaing pamayapa ng Tsina

2022-10-19 14:47:35  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagtanggap kamakailan ng Peace Medal of Honor ng United Nations (UN) ng tropang pamayapa ng Tsina sa South Sudan (Juba) at Abyei, tinukoy Oktubre 18, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MOFA) ng Tsina, na ang gawad na ito ay mataas na pagtasa ng komunidad ng daigdig sa mga gawain ng tropang pamayapa ng Tsina.

 

Ang responsibilidad at target aniya ng paglahok ng Tsina sa aksyong pamayapa ng UN ay pangangalaga sa prinsipyo at layunin ng Karta ng UN, pagpapasulong ng katatagan ng buong daigdig at konstruksyon ng community with a shared future for mankind.

 

Ayon kay Wang, ang Tsina ay isa sa limang pirmihang miyembro ng UN Security Council (UNSC) na nagpadala ng pinakamaraming tauhang pamayapa at ikalawang pinakamalaking bansang nagkaloob ng pondo para sa aksyong pamayapa ng UN.

 

Sinabi pa niyang sa hinaharap, patuloy na isasakatuparan ng Tsina ang tunay na multilateralismo at aktuwal na pangangalagaan ang kapayapaan, kaunlaran at kaayusan ng buong diagdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio