MOFA: Patuloy na isasagawa ang tunay na multilateralismo

2022-10-20 16:22:32  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Oktubre 19, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MOFA) ng Tsina, na kahit ano man ang mangyari sa daigdig, hindi magbabago ang determinasyon ng Tsina sa pagsasagawa ng tunay na multilatealismo, itutuloy ang pagsisikap para sa pagpapabuti ng sistema ng pangangasiwa sa mga suliraning pandaigdig at pagpapasulong sa multilateral na kooperasyon.


Kaugnay ng katayuan at papel ng Tsina sa sistema ng pangangasiwa sa mga suliraning pandaigdig, sinabi ni Wang na palagian at matatag ang paninindigan ng Tsina sa sistemang pandaigdig kung saan ang United Nations (UN) ang nasa sentro, ang pundasyon ng kaayusang pandaigdig ay pandaigdigang batas at ang sistema ng multilateral na kalakalan ay naka-angkla sa World Trade Organization (WTO).


Dagdag pa ni Wang, nitong 10 taong nakalipas, aktibong isinakatuparan ng Tsina ang mga pangako sa pagsapi sa WTO na gaya ng pagbabawas ng taripa at pagluluwag ng limitasyon ng pagpasok sa pamilihang Tsino.


Bukod dito, sinabi ni Wang na aktibong lumahok ang Tsina sa mga aksyong pamayapa ng UN.


Salin: Ernest

Pulido: Mac