MOFA: Suportado ng Tsina ang padaragdag ng kasapi ng BRICS

2022-10-21 14:26:32  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika na nais sumali ng Saudi Arabia sa BRICS. Kaugnay nito, ipinahayag Huwebes, Oktubre 20, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MOFA) na, bilang kasalukuyang tagapangulong bansa ng BRICS sa taong 2022, aktibong kinatigan ng Tsina ang pagsisimula ng proseso ng BRICS sa pagkalap ng bagong kasapi. Dagdag pa niya, walang humpay na pinasusulong ng Tsina ang kooperasyon ng “BRICS Plus”.


Tinukoy ni Wang na nitong Hunyo 2022, narating ng mga lider ng limang bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) ang mahalagang komong palagay hinggil sa paghahanap ng bagong kasapi ng BRICS. Dagdag pa niya, sinuportahan ng mga lider ng BRICS ang pagtalakay hinggil sa istandard at proseso ng pagkalap ng mga bagong kasapi.


Sinabi pa ni Wang na sa kasalukuyan, natamo ang masaganang bunga ng kooperasyon ng mga bansang BRICS at binigyan ng mahalagang ambag ang usaping pangkapayapaan at pangkaunlaran ng buong daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Mac