Implasyon, pinakamahigpit na hamong kinakaharap ng sub-Saharan Africa — IMF

2022-10-22 13:27:29  CRI
Share with:

Ipinahayag kamakailan ng International Monetary Fund (IMF) na mabagal ang pag-ahon ng sub-Saharan Africa mula sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), tumataas ang presyo ng pagkain at enerhiya, at mataas ang pampublikong utang.


Anang IMF, isa sa mga pinakamahigpit na hamong kinakaharap ng sub-Saharan Africa ay ang paglutas sa problema ng mataas na implasyon nitong nakalipas na 10 taon. Anito, ito'y may di magandang epekto sa kita ng mga mamamayan at seguridad ng suplay ng pagkain.


Ayon sa pagtaya ng IMF, hanggang katapusan ng kasalukuyang taon, mahaharap ang 12% populasyon ng sub-Saharan Africa sa malubhang problema ng kakulangan ng pagkain.


Nagsimulang itaas ng mga bangko sentral ng mga bansa sa sub-Saharan Africa na gaya ng Ghana, Malawi, Mozambique, Nigeria, at Uganda, ang interest rate upang harapin ang pagtaas ng implasyon, paglabas ng pondo, at pagbaba ng halaga ng salapi.


Salin: Lito

Pulido: Mac