Kalakalang panlabas ng Tsina sa unang tatlong kuwarter ng 2022, lumaki ng 9.9%

2022-10-25 15:57:26  CMG
Share with:

 

Ayon sa datos na inilabas Oktubre 24, 2022 ng Pambanang Kawanihan ng Adwana ng Tsina, umabot sa mahigit 31 trilyong yuan RMB ang halaga ng kalakalang panlabas ng bansa sa unang tatlong kuwarter ng 2022.

 

Ito ay lumaki ng 9.9% kumpara sa gayunding panahon ng 2021, dagdag ng kawanihan.

 

Kabilang dito, 17.67 trilyong yuan RMB ang halaga ng pagluluwas, samantalang ang pag-aangkat ay umabot naman sa 13.44 trilyong yuan RMB.

 

Sa kabilang dako, nanatili ang ASEAN bilang pinakamalaking trade partner ng Tsina.

 

Ang bolyum ng kalaklan ng dalawang panig mula Enero hanggang Setyembre 2022 ay umabot sa 4.7 trilyong yuan RMB na katumbas ng mahigit 15% ng kabuuang bolyum ng kalakalang panlabas ng Tsina.

 

Bukod pa riyan, ang halaga ng kalakalan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road sa unang tatlong kuwarter ng taong ito ay mahigit 10 trilyong yuan RMB na lumaki ng 20.7% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2021.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio