Kita ng mga central state-owned enterprises ng Tsina, lumaki

2022-10-26 15:57:41  CMG
Share with:

Ayon sa estadistika na isinapubliko nitong Oktubre 25, 2022, ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission of the State Council ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, umabot sa 29 na trilyong yuan RMB ang kita ng mga Chinese central state-owned enterprises, na lumaki ng 10.9% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Umabot sa 2.1 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng tubo ng naturang mga kompanya noong unang tatlong kuwarter ng 2022, na lumaki ng 5.7% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Bukod pa riyan, nagbayad ang mga central state-owned enterprises ng 2.1 trilyong yuan RMB na buwis noong unang tatlong kuwarter ng 2022, na lumaki ng 15.2% kumpara sa parehong panahon ng 2021.

 


Salin:Sarah

Pulido:Mac