Pakistani PM, dadalaw sa Tsina

2022-10-27 14:21:00  CMG
Share with:

 

Ipinatalastas kahapon, Okbutre 26, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MOFA) ng Tsina, na sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang, opisyal na dadalaw sa bansa si Shehbaz Sharif, Punong Ministro ng Pakistan mula Nobyembre 1.

 

Ani Wang, sa kanyang pananatili sa Tsina, magtatagpo si Sharif at Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 

Bukod diyan, magkahiwalay rin siyang makikipagkita kina Premyer Li Keqiang at Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.

 

Sa pamamagitan ng nasabing pagdalaw, umaasa ang panig Tsino na ibayo pang mapapasulong ang mga estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa, mapapangalagaan ang rehiyonal na katatagan at kapayapaan, pandaigdigang katarungan at pankakapantay-pantay, dagdag ni Wang.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio