Paninira ng ibang bansa sa Tsina sa katuwiran ng karapatang pantao, kinondena ng diplomatang Tsino

2022-11-02 16:26:27  CMG
Share with:

 

Kinondena Oktubre 31, 2022 ni Dai Bing, Charge d'affaires ng Pirmihang Delagasyong Tsino sa United Nations (UN), ang ilang bansang kinabibilangan ng Amerika at Kanada sa pulong ng Ika-3 Komisyon ng Ika-77 Sesyon ng Pangkalahatang Asembleya ng UN.

 

Sinabi niyang layon ng mga pananalita ng Amerika at ilang kanluraning bansa na sirain ang katatagan ng Tsina at pangalagaan ang kanilang hegemonya sa pamamagitan ng paggamit sa isyu ng Xinjiang.

 

Tinukoy ni Dai na pinupuna ng Amerika ang kalagayan ng karapatang pantao ng ilang bansa, pero nagbubulag-bulagan ito sa sariling kalagayan at kalagayan ng mga kaalyadong bansa sa naturang isyu.

 

Ito aniya ay halimbawa ng dobleng pamantayang ginagawa ng Amerika.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio