Listahan ng proyektong tulong para sa mga mamamahayag na Tsino sa 2022, inilabas

2022-11-07 16:00:37  CMG
Share with:

Inilabas Linggo, Nobyembre 6, 2022 ng All-China Journalists Association ang listahan ng mga proyektong tulong para sa mga mamamahayag ng Tsina sa kasalukuyang taon.

 

Ayon dito, 91 mamamahayag mula sa mga media ng buong bansa ang nakatanggap ng mahigit 4 na milyong yuan RMB.

 

Bukod diyan, pinagkalooban din ng ayuda ng naturang samahan ang mga mamamahayag na nasawi, nasugatan, o nagkaroon ng malubhang sakit, dahil sa kanilang tungkulin nitong nakalipas na 9 na taon.

 

Ang bilang ng mga nakatanggap ng tulong at halaga ng pondong ipinagkaloob sa kasalukuyang taon ay kapuwa pinakamataas sa kasaysayan.

 

Sapul nang ilunsad ang nasabing proyekto noong 2014, 462 mamamahayag na Tsino ang nakatanggap ng 20.83 milyong yuan RMB na tulong.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio