Xi Jinping, dadalo sa G20 Summit, APEC Economic Leaders' Meeting at dadalaw sa Thailand

2022-11-11 15:57:57  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Nobyembre 11, 2022 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa G20 Summit na idaraos sa Bali Island ng bansang ito mula Nobyembre 14 hanggang 17, 2022.

 

Maliban diyan, sa paanyaya naman ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, dadalaw rin si Xi sa Ika-29 na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting sa Bangkok at opisiyal na dadalaw sa bansa mula Nobyembre 17 hanggang 19, dagdag ni Hua.

 

Inaasahang magkakahiwalay na makikipagtagpo si Xi kina Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, Pangulong Joseph Biden ng Amerika, Pangulong Alberto Fernández ng Argentina at mga lider ng iba pang mga bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio