Li Keqiang at haring Kambodyano, nagtagpo

2022-11-11 15:48:07  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo ngayong araw, Nobyembre 11, 2022 sa Phnom Penh nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya,

pinuri ni Li ang positibong ambag ng maharlikang pamilya ng Kambodya sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Nakahanda ani Li ang Tsina na ipagkaloob, hangga’t makakaya, ang tulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng Kambodya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng bansa.

 

Ipinahayag naman ni Haring Sihamoni ang pagpapahalaga sa pagkakaibigan ng Kambodya’t Tsina.

 

Sinabi niyang iginigiit ng Kambodya ang prinsipyong isang Tsina at kinakatigan ang pagpapahigpit ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio