Barkong Peace Ark ng PLA, nasa Indonesia

2022-11-11 12:00:31  CMG
Share with:


Dumating Huwebes, Nobyembre 10, 2022 sa Jakarta, Indonesia ang hospital ship ng hukbong pandagat ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina, na kilala rin bilang Peace Ark para sa dalaw-pangkaibigan.

 

Ito ang ika-2 pagbisita ng Ark Peace sa Jakarta.

 

Matatandaang unang dumalaw sa Indonesia ang nasabing barko noong Setyembre 2013.

 

Ayon sa plano, ipagkakaloob ng Peace Ark ang libreng serbisyong medikal sa lokalidad mula Nobyembre 11 hanggang 17.

 

Isasagawa rin nito ang online symposium at long-distance consultation sa mga lokal na ospital.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio