Pangangalaga sa kultural na relikya ng Kambodya, patuloy na sinisuportahan ng Tsina

2022-11-11 11:25:09  CMG
Share with:

 

Nobyembre 10, 2022, Siem Reap, Kambodya – Binista ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang eksbisyon hinggil sa mga natamong bunga ng pagpapalitan at pagtutulungang Sino-Kambodyano sa pamanang kultural nitong 30 taong nakalipas, at dumalo siya sa seremonya ng paglilipat ng proyekto ng pagkukumpuni sa Templo ng Ta Keo, sa ilalim ng tulong ng Tsina.

 

Sa nasabing seremonya, ipinahayag ni Premyer Li na ang nasabing proyekto ay ang ikalawang beses nang pagkukumpuni na isinagawa ng pamahalaang Tsino sa ilalim ng balangkas ng pandaigdigang pangangalaga ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa relikyang Angkor.

 

Ito aniya ay nakakabuti sa Kambodya, pagkakaibigang Sino-Kambodyano, at pagpapalitang pangkultura.

 

Sa kabilang dako, ipinahayag naman ni Chea Sophara, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya, ang pasasalamat sa ibinibigay na tulong ng panig Tsino sa pagpapasulong ng kabuhayan at lipunan ng Kambodya at pagpapatuloy ng kultura ng nasyon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio