80 bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig, lumahok sa Ika-6 na China-South Asia Expo

2022-11-20 12:58:21  CRI
Share with:

Kunming, probinsyang Yunnan ng Tsina Binuksan nitong Sabado, Nobyembre 19, 2022 ang 4 na araw na Ika-6 na China-South Asia Exposition at Ika-26 na China Kunming Import and Export Fair na may temang “New Opportunities for New Development.”


Lumahok sa ekspong ito ang mga kinatawan at panauhin mula sa 80 bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig.


Hanggang sa ngayo’y nagsisilbing mahalagang plataporma ang China-South Asia Expo kung saan isinasagawa ng Tsina at mga bansa ng Timog Asya at Timog Silangang Asya ang multilateral na diplomasya, kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at pagpapalitang pangkultura.


Ayon sa datos, sapul nang idaos ang unang China-South Asia Expo noong taong 2013, magkakasunod itong nilahukan ng 89 bansa, rehiyon, at organisasyong pandaigdig, at may kasunduan ang 2,770 proyektong Tsino at dayuhan.


Salin: Lito